BANAHAW: ANG BUNDOK NG MISTERYO AT HIWAGA

 


ANG Bundok Banahaw ang isa sa mga lugar na napupuno at naba­balot ng mga misteryo at hiwaga. Karami­han at kadalasan nang mga nagpupunta dito ay mga namamanata, antingero at iba’t ibang espirituwal na grupo na may kakayahang manggamot.

Ayon sa mga manggagamot at antingero, sa nasabing bundok nasusubukan ang ka­nilang mga kagamitan sa panggagamot at mga pangontra. May iba rin na manggagamot na ini­wan ang kanilang unang propesyon para tahakin ang landas na espirituwal.

Mula sa Sta. Lucia, pag-akyat pa lamang ng bundok ay tatambad na ang mga iskultura na nagpapakita ng senyales ng pagiging espiritu­wal. Ang mga pagkilala sa mga espirito ng ka­likasan na siyang naging bahagi ng mga panini­wala ng mga namamana­ta sa Bundok Banahaw. May iba’t ibang sekta rin ng relihiyon na may nananatiling malakas na impluwensiya ng katoli­sismo.

Tatambad din ang mga malalaking imahe ng mga Santo, mga batong may mga nakaukit na sampung utos ng Diyos. Ang bawat lugar naman ay ipinangalan mula sa lugar na kinuha pa mula sa Bibliya, tulad ng Jeru­salem.

May mga tindahan din ng mga kagamitan pangontra sa masasa­mang espirito, kulam, aswang, pampasuwerte at gayuma. May mga tao rin na mula pa sa siyudad na mas pinili na manira­han sa bundok sa kada­hilanang espirituwal. 

MAGANDANG tanawin, masarap pasyalan, challenging akyatin.  Ilan lamang sa masasabi natin sa mga kabundukan sa Pilipinas.  Maliban sa napapaligiran tayo ng karagatan, bulkan at libu-libong isla, mayaman din ang Pilipinas sa magagandang bundok.

Ang mga tao ay sumusubok umakyat para mag-ehersisyo.  Ang iba naman para malasin ang angking kagandahan sa paligid mula sa taas.  Ang iba, para tumuklas ng ilang mga bagay-bagay na maaaring matagpuan dito.   Subalit alam ba ninyo na apat sa pinaka-tanyag na bundok sa ating bansa ay nababalot sa misteryo?  Sumikat sila hindi lamang dahil sa ganda pati na rin sa mga kababalaghang taglay nito.  Nais ba ninyong diskubrihin ang mga bundok na ito at maghanap ng kakaiba? Alamin alin-aling bundok ang may kababalaghang naka-abang sa inyo.

Mount Makiling.   Pinaka-sikat na bundok sa Pilipinas, marahil marami sa mga bagong henerasyon ang hindi nakakaalam kung ano ang misteryong bumabalot dito at bakit pinangalanan ang bundok ng Makiling.

Ang bundok ay ipinangalan kay Mariang Makiling.  Si Mariang Makiling ay isang diwata, kilala rin sa pangalang Dayang Masalanta—tagapag-alaga ng kabundukan.  Dati siyang pinaniniwalaang kahalubilo ng mga ordinaryong tao, hanggang siya ay pagtaksilan ng kaniyang minahal na lalaki, at habang-buhay na siyang nanirahan sa bundok at hindi na nagpakita kailanpaman.  Binibigyan niya ng sumpa at kamalasan ang sinumang lalapastangan sa mga puno at hayop dito.  Sinasabi ang hugis ng bundok Makiling ay hugis ng nakahigang si Mariang Makiling.

Mount Banahaw.  Ang sagradong bundok Banahaw ay ang pinaka-mataas na bundok sa rehiyong CALABARZON, at nasa pagitan ng Quezon at Laguna.  Mapaghimala, at pinagkukunan ng spiritwal na lakas ng mga esperitista, mga kulto at ilang indibidwal.  Ayon kay Apo Juana, isang ‘faith healer’ na kilala sa lalawigan ng Rizal, kasama sa paniwalang nakakagaling ang bundok Banahaw kung bakit taon-taon na lamang ay umaakyat siya rito.  Banggit ng 62-anyos na manggagamot, tuwing sasapit ang mahal na araw, inaakyat nila ang bundok kasama ang ilang deboto bilang panata nila sa kanilang mga sarili.

Marami ang mga yungib, bukal at sapa na ikinukunsidera bilang mapaghimala.  Sa mga hindi rumirespeto sa kaniya, marami ang pinaniniwalaang naliligaw dito at napapahamak, minsan ay ikinasasawi pa nila nang wala sa oras.


Comments

Popular posts from this blog

 Ten Commandments stone

Ermitanyo-Eremite

Chinese Zodiac Sign 2021 – Ox